10 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Bacolod City

BACOLOD CITY – Sumampa na sa 45 ang kaso ng coronavirus disease 2019 sa Bacolod City matapos dumagdag ang sampung panibagong kaso ngayong Linggo.

Siyam sa sampung bagong COVID-19 case sa Bacolod City ay mga na-stranded na ngayon ay nakabalik na lungsod, habang ang isa naman ay repatriated Overseas Filipino Worker.

Galing Himamaylan City, Negros Occidental naman ang 23 anyos na babae na siyang panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Umabot na sa 78 ang COVID-19 positive sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kapwa nasa quarantine facility ang lahat ng mga bagong COVID-19 cases.

Samantala, kinumpirma naman ni Governor Eugenio Jose Lacson na inaprubahan na ng National Inter-Agency Task Force ang dalawang linggong pagsuspinde sa lahat ng biyahe patungong Region 6 kasama na rito ang Bacolod City at Negros Occidental

Ito ay para maiwasan muna ang pag-uwi ng mga stranded individuals mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Pinasalamatan ito ng gobernador dahil aniya’y makakatulong ito para mapaghandaan ng probinsya ang mga panibagong quarantine facility na paglalagyan sa mga nakatakda pang umuwi na mga stranded passengers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Jalen Hurd Jersey