2 barangay sa Sasmuan, isinailalim sa modified special concern lockdown

Isinailalim sa modified special concern lockdown ang dalawang barangay sa bayan ng Sasmuan sa Pampanga.

Sa inilabas na Executive Order No. 33 ng Local Government Unit Inter-Agency Task Force ng Sasmuan, ipinagutos na isailalim sa modified special concern lockdown ang mga barangay Sta. Monica at San Antonio.

Ito’y matapos makapagtala ng 4 na karagdagang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 19 (COVID-19) hanggang noong Hunyo 24, 2020.

Ipinatupad ang lockdown mula Hunyo 26 hanggang Hunyo 30.

Sa ilalim ng modified special concern lockdown, isang tao lamang sa bawat pamilya ang maaring makalabas ng bahay para bumili ng mga essential goods. Kinakailangan ring magpakita ng home quarantine pass sa paglabas.

Istrikto ring ipapatupad ang 7 p.m. hanggang 7 a.m. na curfew sa dalawang barangay, maliban na lamang sa mga essential workers at emergency cases.

Ipinagbabawal rin ang mass at public gathering.

Sa huling tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Pampanga nitong Hunyo 28, nasa 7 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Sasmuan. Tatlo dito ang aktibong kaso habang dalawa na ang namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Jalen Hurd Jersey