Dating Miss Ukraine, nag-armas para ipagtanggol ang kanilang bansa vs Russia

Dating Miss Ukraine, nag-armas para ipagtanggol ang kanilang bansa vs Russia

Kabilang si dating Miss Ukraine Anastasiia Lenna sa iniulat na mga sibilyan na nag-armas para ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa pananakop ng Russia.

Nag-post ang beauty queen ng dalawang larawan na makikitang may hawak siyang assault rifle at may hashtags na “#standwithukraine” at “handsoff ukraine.”

Sa ulat ng LBC News, nag-post din si Anastasiia sa Instagram story na: “The invaders will die on our land! All world see this!”

Kinatawan ni Anastasiia ang Ukraine sa 2015 Miss Grand International pageant at 2016 Miss Suprainternational pageant.

Ilan pa sa kilalang personalidad sa Ukraine ang handang lumaban sa Russia ang magkapatid na retired Ukrainian boxing stars na sina Vitali at Wladimir Klitschko.

Si Vitali ang alkalde ng Kyiv, na kapitolyo ng Ukrainian.

RELATED STORIES

Crystal Paras, tinotoo ang pagbatok kay Albert Martinez?Kuya Kim Atienza, inaming may feelings noon kay Geneva CruzAndrea Torres, ipinaliwanag kung bakit ayaw niyang maghiganti

Samantalang nagpalista bilang reserve army ng Ukraine ang kapatid niyang si Wladimir.

Kapwa gumagawa ng marka sa larangan ng boksing ang magkapatid na naging heavyweight boxing champion sa mundo. Pareho rin silang kasama sa International Boxing Hall of Fame.

Patuloy na ipinagtatanggol ng mga Ukrainian ang kanilang bansa, laban sa mas malakas na puwersa ng militar ng Russia.

Ilang sibilyan na rin sa Ukraine ang gumagawa ng molatov cocktails para patuloy na lumaban sa Russian forces.

–FRJ, GMA News

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *