Bong Revilla nagpasalamat sa lahat ng nakiramay sa pagpanaw ng ama

Nagpasalamat si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa lahat ng nakikiramay sa kanilang pamilya sa pagpanaw ng kaniyang amang si dating senador Ramon Revilla Sr.

“Sa lahat po ng nakikiramay, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat…. hanggang ngayon di po ako makapaniwala sa pagpanaw ng aking ama. Masakit pala talaga,” ani Revilla sa isang Facebook livestream nitong umaga ng Linggo.

Ibinahagi rin ni Revilla sa Facebook live ang situwasyon sa burol ng kaniyang ama.

Bukod sa matalik na kaibigan na si Philip Salvador, kita rin sa video ang iba pang kaibigan at kamag-anak.

Noong Sabado, nagsimula si Revilla na ibahagi sa publiko ang mga nagaganap sa burol ng kaniyang ama, kung saan buhos ang mga mensahe ng pakikiramay ng mga taong nagmamahal sa dating senador.

Pumanaw si Revilla Sr. sa edad na 93 dahil sa multiple organ failure at acute respiratory illness secondary to pneumonia, pero nilinaw na hindi ito dahil sa COVID-19.

Sa labas ng Revilla compound, patuloy ang pagdating ng mga bulaklak mula sa mga nakikiramay sa tinaguriang “Hari ng Agimat ng Pelikulang Pilipino.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Jalen Hurd Jersey