ELECTION GUN BAN VIOLATORS UMABOT SA MAHIGIT 3,000

ELECTION GUN BAN VIOLATORS UMABOT SA MAHIGIT 3,000

Umabot na sa 3,447 ang bilang ng lumabag sa gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP).  Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na 3,338 sa mga nahuli ay mga sibilyan, 61 security guard, 26 na pulis, at 22 na tauhan ng militar.  May kabuuang 3,239 police operations din ang nagbunga ng 2,673 baril, 16,684 piraso ng bala, at 1,101 deadly weapons.  Sinabi ng PNP na ang nangungunang limang rehiyon sa bilang ng mga naarestong lumabag ay ang National Capital Region na may 1,242, na sinusundan ng Calabarzon (373); Central Visayas (359); Central Luzon (312); at Western Visayas (200).  Ayon sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10728, ang pagdadala ng mga baril o nakamamatay na armas ay ipinagbabawal sa labas ng tirahan at sa lahat ng pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8. Exempted sa pagbabawal ang mga alagad ng batas ngunit dapat silang magkaroon ng awtorisasyon mula sa Comelec at magsuot ng uniporme na inireseta ng ahensya habang nasa opisyal na tungkulin sa panahon ng halalan.  Ang mga lumalabag ay nahaharap sa pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon at hindi dapat sumailalim sa probasyon.  Nahaharap din sila sa disqualification mula sa paghawak ng pampublikong opisina, pag-alis ng karapatan sa pagboto, at pagkansela o permanenteng diskwalipikasyon sa pagkuha ng lisensya ng baril.

Share this article:

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *