Fetus sa kahon ng sapatos natagpuan sa sementeryo sa Bataan

Tinatayang nasa 6 na buwan pataas na ang fetus dahil fully-developed na ang mga mga daliri nito sa kamay at paa. Retrato mula kay Bayan Patroller Ryan Jorge

MARIVELES, Bataan — Isang fetus na nakasilid sa loob ng kahon ng sapatos ang natagpuan sa isang sementeryo sa Barangay Cabcaben sa bayan na ito nitong Huwebes. 

Isang senior high school student ang nag-report sa mga awtoridad ukol sa kahinahinalang kahon sa may Villa Paroma Cemetery sa Roman Superhighway. 

Nang buksan ang kahon, isang nangingitim na fetus na nakabalot sa tela ang tumambad. 

Tinatayang nasa 6 na buwan pataas na ang fetus dahil fully-developed na ang mga daliri nito sa kamay at paa. 

Ayon sa katiwala ng sementeryo, may namataan siyang isang babaeng dumalaw kung saan natagpuan ang fetus.

Samantala, kaagad na nagpatawag ng pari ang barangay para mabasbasan ang fetus bago ito ilibing. —Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *