Kris sa magiging kasal nila ni Mel: ‘Totally not what you’re expecting’

Photo: Screenshot from Kris Aquino/IGPhoto: Screenshot from Kris Aquino/IG

Inihayag ni Kris Aquino na magiging pribado at hindi magiging bongga ang magiging kasal nila ni dating Department of the Interior and Local Government secretary na si Mel Sarmiento.

Sa kaniyang Instagram posts, nagpahapyaw si Kris ng mga mangyayari sa kanilang kasal ng fiance.

Tinugunan ni Kris ang isang netizen na inaasahan na magkakaroon siya ng “grandest wedding entrance.”

“I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be tiny and super private. No entourage. No wedding planner. Totally not what you’re expecting,” sabi ni Kris. 

Nauna nang inanunsyo ni Kris na hindi nila isasapubliko ang mga detalye ng kanilang kasal pero magbabahagi sila ng footages.

Inanunsyo nina Kris ang kanilang engagement nitong Oktubre. Matapos ang ilang linggo, lumabas sila sa kanilang first date sa isang fast food restaurant.

Suportado naman ng anak ni Kris na si Bimby Yap ang engagement niya kay Mel.–FRJ, GMA News

This article Kris sa magiging kasal nila ni Mel: ‘Totally not what you’re expecting’ was originally published in GMA News Online.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *