Mask wedding: Mga dumalo sa kasalang bayan, nakasuot pa rin ng face mask kontra COVID-19

Kurt Yap

a group of people on a stage in front of a crowd: Mask wedding: Mga dumalo sa kasalang bayan, nakasuot pa rin ng face mask kontra COVID-19
© Provided by Kami Mask wedding: Mga dumalo sa kasalang bayan, nakasuot pa rin ng face mask kontra COVID-19

– Naging viral sa social media ang kasalang bayan na naganap sa Bacolod nitong Huwebes

– Nakasuot ng face mask ang mga dumalo sa kasalang bayan dahil sa banta ng Corona Virus Disease (COVID-19) sa bansa

– Pinasagutan din ng health declaration forms ang mga ikakasal at kailangan din nilang ilagay ang kanilang travel history sa nakaraang 14 na araw

– Samantala, halo-halo naman ang mga reaksyon ng mga netizens sa pagsuot ng face mask sa kasalang bayan

Trending sa social media ang isang kasalang bayan kung saan nakasuot pa rin ng face mask ang mga magkasintahang dumalo rito.

Nalaman ng KAMI na kahit may banta ng Corona Virus Disease (COVID-19) sa bansa ay nagpatuloy pa rin ang kasalang bayan.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nasa 220 na magkasintahan sa Bacolod ang kinasal nitong Huwebes. Upang matuloy ang kasalang bayan, kinailangan ng mga magkasintahan na magsuot ng face mask dahil utos ito ng lokal na pamahalaan ng Bacolod.

Kinailangan din ng mga magkasintahan na sagutan ang health declaration forms kung saan ilalagay nila ang kanilang health status at travel history nitong nakaraang 14 na araw.

Kamakailan nga ay nagbigay abiso ang Department of Health (DOH) na pansamantalang iwasan muna ng mga magkasintahan ang mga pisikal na kilos lalo na ngayong may banta ng COVID-19.

Babala rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) na iwasan muna ng mga Pinoy ang mga pampublikong kaganapan para makaiwas na rin sa sakit.

Samantala, may kanya-kanyang mga reaksyon naman ang mga netizens sa paraang naisip ng lokal na pamahalaan para matuloy ang kasalang bayan. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng CNN Philippines:

“ewan lang.. sayang yung moment.. sana nagkaroon ng ng mas maayos na surveillance and screening para kht papano na celebrate ng maayos yung mass wedding.. not mask wedding..”

“Better safe than sorry!”

“Literally a mask wedding”

“Cgurado Pasok ‘to sa Guinness book of record. It must be the Mask Mass wedding in history!”

“Prevention is better than cure”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *