Mga walk-in patient puwede na ulit sa mga pampublikong ospital sa Rizal

Muling ibinalik ng mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Rizal ang pagtanggap ng mga walk-in na nais magpa-checkup.

Sa advisory ng lokal na pamahalaan ng lalawigan, sinabi nito na wala nang online booking sa lahat ng sangay ng Rizal Provincial Hospital System (RPHS).

Tatanggapin pa rin naman ang mga dati nang naka-book at mananatili silang prayoridad sa pagpapa-checkup basta ipakita lamang ang confirmation message.

Hinihikayat pa rin ang mga magpapa-checkup na sumunod sa health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng physical distancing. 

Sinimulang ipatupad noong Hulyo 2021 ang online booking kasabay ng pagdami ng pagdami ng kaso ng COVID-19 at pagkapuno ng mga ospital. 

Nasa 38.7 porsyento ang healthcare utilization rate sa Rizal mula nitong Lunes, ayon sa OCTA Research Group. 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *