Pedicab, tricycle pinayagan nang magbalik-pasada sa Maynila

Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na bumalik sa pamamasada ang mga pedicab at tricycle, ayon kay Manila Traffic Bureau Director Dennis Viaje nitong Miyerkoles.

Ayon kay Viaje, Lunes pa nagkaroon ng desisyon pero kinailangan pang isailalim sa briefing ang mga pedicab at tricycle drivers sa mga panuntunang kailangang sundin sa pagbabalik pamamasada.

Bilang nasa ilalim pa ng general community quarantine, kinakailangang sundan ng mga mamamasada ang mga sumusunod:

  • Ang driver ay dapat naka “face mask “; ganun din ang pasahero nito
  • Lagyan ng harang gamit ang plastic cover sa pagitan ng driver at pasahero sa tricycle o pedicab;
  • Isang pasahero lamang ang puwedeng sumakay; at
  • Bawal ang angkas sa likod ng driver

Ayon sa opisyal, nasa 14,000 ang lehitimong tricycle sa lungsod habang 5,000 naman ang pedicab.

Paglilinaw ng lokal na pamahalaan, mananatili sa P20 ang pamasahe sa pedicab at tricycle sa unang kilometro ng biyahe at dagdag na P5 sa bawat susunod na kalahating kilometro.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *