SENATE PRESIDENT DAPAT MANGGALING SA UNITEAM –IMEE

SENATE PRESIDENT DAPAT MANGGALING SA UNITEAM --IMEE

Sinabi ni Senador Imee Marcos na dapat manggaling sa UniTeam ang uupong Senate President. “I think everyone agreed na dapat ‘yung mangyari sa Senate ay UniTeam pa rin. Isang majority na matibay na talagang 13 (senators) ang maaasahan na boto,” ayon kay Marcos. “Dapat ganoon sana kasi sa dami ng problema natin dapat mabilis tayo at malakas ang dating ng mga batas na kinakailangan natin,” dagdag pa niya. Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi siya naghahangad ng pagkapangulo ng Senado o anumang posisyon sa pamumuno sa 19th Congress.  Kamakailan, ibinunyag ni Senator Sonny Angara na sina Imee at Senator-elect Loren Legarda ay nagpahayag ng interes sa posisyon ng Senate president pro tempore, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa Upper Chamber. Sa ngayon, sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian, at Senator-elect Francis Escudero ang mga mambabatas na naiulat na nag-aagawan para sa pinakamataas na posisyon ng Senado.  Suportado umano ni Imee ang Senate president bid ni Villar.

Share this article:

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *