Syrian patay matapos masunog sa loob ng SUV sa Ilocos Sur

Isang lalaking Syrian ang patay matapos masunog sa loob ng kaniyang SUV sa bayan ng Sta. Lucia, Ilocos Sur Biyernes ng umaga. 

Ayon kay SFO3 Errol Aquino ng BFP-Sta. Lucia, paalis sana ang biktima papuntang Vigan City nang makita ng isang anak nito na nasusunog na ang kanilang sasakyan sa loob ng kanilang compound sa Barangay Luba.

Agad nagpatulong ang pamilya sa mga awtoridad para maapula ang apoy. 

Ani Aquino, habang inaapula nila ang apoy ay nakita nila sa labas sa likurang bahagi ng sasakyan ang biktima na sinubukan pang makalayo pero nadamay na sa sunog. 

Nagtagal ng 10 minuto bago naapula ang apoy. 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *