Umano’y smuggler patay matapos ‘manlaban; sa North Cotabato

Nauwi sa engkwentro ang isang entrapment operation ng pulisya sa mga umano’y cigarette smuggler sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Vhan Mangcog Ali, 40. Mayroon din siyang kasama na 53-anyos.

Ayon kay Police Maj. Carl Jayson Baynosa, hepe ng Pigcawayan Municipal Police Station, agad natunugan nina Ali ang mga pulis kaya mabilis silang tumakas at nagpaputok sa naturang operasyon sa Barangay Upper Baguer. 

Gumanti ang mga awtoridad at hinabol ang mga suspek.

Nagtamo ng mga tama ng baril ang dalawang suspek at agad na dinala sa Pigcawayan Doctors Specialist Hospital.

Idineklarang dead on arrival si Ali habang nasa ligtas na kalagayan ang kaniyang kasama.

Narekober ang isang baril, siyam na kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P135,000, dalawang pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang sasakyan, at P11,000 na cash.

Nahaharap ang nakaligtas na suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 o Unlawful Importation or Exportation ng Republic Act 10863 o kilala bilang Custom Modernization and Tariff Act

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *