14 Chinese tiklo sa illegal gambling sa Angeles City

Inaresto ng pulisya ang 14 na Chinese dahil umano sa illegal gambling sa Angeles City nitong Sabado.

Isinagawa ang operasyon sa ikalawang palapag ng isang gusali sa Friendship Highway, Brgy. Pampang kung saan bumungad sa mga awtoridad ang ilang baraha, chips, at pera sa paglalaro ng poker.

“Pinuntahan natin yung venue, at ‘yung nga nakita namin na may naglalarong Chinese doon sa taas, kasama po nila yung mga private security po nila,” ani Police Capt. Nijel Sanoy ng CIDG-Angeles City Field Unit.

Timbog din sa operasyon ang mga dealer at bettor.

“May mga negosyo din po sila dito sa Angeles City, may mga resturant ‘yung iba. Nagkataon lang siguro na nagtipon-tipon sila sa isang lugar para magsugal,” ani Sanoy.

Nahaharap sa kasong illegal gambling at violation ng COVID-19 safety protocols ang mga suspek.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *