183,000 karagdagang Pfizer vaccine doses dumating sa bansa

MAYNILA – Dumating sa Pilipinas nitong Huwebes ng gabi ang nasa 183,000 pang karagadagang doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na donasyon mula sa COVAX Facility.

Ayon kay Asec. Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), ipapadala ito sa mga lugar na hindi pa nakatatanggap ng Pfizer vaccine. 

Dapat aniya kasi na matuto ang ibang lugar na mag-handle ng mga sensitibong bakuna laban COVID-19.

Malaking bahagi ng mga paparating na bakuna ay Pfizer kaya kailangan i-train ang mga LGU na magbakuna nito.

Isinagawa na rin aniya ang point-to-point inoculation lalo sa mga area na walang cold storage facility.

Ibig sabihin, pagdating ng bakuna, ituturok na agad at di na iimbak pa.

Nasa 29 million na mga COVID-19 vaccine doses ang inaasahan na dadating sa bansa ngayong Setyembre.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *