Lolo na kukuha ng police clearance, pinosasan nang makitang may arrest warrant

Lolo na kukuha ng police clearance, pinosasan nang makitang may arrest warrant

Sa kulungan ang bagsak ng isang 65-anyos na lolo na kukuha sana ng police clearance pero napag-alaman na mayroon pala siyang standing warrant of arrest sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Miyerkules, sinabing kumuha ng police clearance ang lolo para sana sa papasukang trabaho.

RELATED STORIES

Pambubugbog sa binatilyo sa Quezon, nahuli-cam; grupo ng kabataan, pinaghahanapBatang ‘ipinaampon’ ng ina sa halagang P2,500, nasagip; umampon, kinasuhan10 Pinoy sa Shanghai, China, nagpositibo sa COVID-19

Pero nang magsagawa ng pagsusuri sa record ang mga pulis, nakita na mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest noong pang 2014.

Ang naturang warrant ay para sa kaso niyang paglabag sa section 5 ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

Wala pang pahayag ang lolo na nakatakdang maglagak ng piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya. —FRJ, GMA NewsTags: police clearancevawc

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *