Anti-worker Matrix, Inilabas Ng Kilusang Mayo Uno; Pangulong Duterte, Idinawit

iral ngayon ang anti-worker matrix na inilabas ng grupong Kilusang Mayo Uno o KMU. 

Anti-Worker Matrix

Ang tinatawag na “Anti-worker matrix” ay inilabas na kung saan ay idinadawit ang pangalan ng pangulong Rodrigo Duterte at iba pang matataas na opisyal sa gobyerno at mga kilalang business tycoon sa bansa. Makikita sa matrix na inihayag ng KMU ay ang larawan ng pangulo na syang diumano konektado sa US at China na nirerepresentahan ng larawan ng nina President Xi Jinping at Donald Trump. Makikita din ang larawan nina Christopher “Bong” Go, Gen. Rolando “Bato” Dela Rosa, anak ng pangulo na sina Sara Duterte at Paulo Duterte. Kasama din ang mga larawan nina Ramon Lopez, Benjamin Diokno, at Salvador Panelo na syang direktang may koneksyon kay Duterte. 

Mga Ahensya At Kumpanya Na Dawit 

Sa ibang sangay na diumano “anti-worker” ayon sa KMU ay mismo ang ahensya ng Department of Labor and Employment na syang pinapangunahan ni Secretary Silvestre Bello III pati na din ang NEDA. Kabilang din ang mga malalaking kumpanya tulad ng AYALA, SM Supermalls, at iba pa. Idinawit din ng militanteng grupon ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines pati na din ang mga matataas na opisyal na namumuno nito. 

Pinapalala Ang Labor Sa Bansa 

Pahayag ng KMU, ang mga nabanggit ay ang kabuuan ng grupo na syang nagpapalala ng labor conditions sa ating bansa. Sila ay tinawag din na “anti-people.” Ang mga malalaking eatablisyemento na nabanggit aniya ay diumano mga kompanya na naghihire ng mga contractual employees.Ayon sa Kilusan Mayo Uno vice chairperson na si Lito Ustarez, ang kawalang aksyon ng gobyerno ang nakakadagdag sa pagpapalala ng kondisyon ng maraming labor workers sa bansa. Inihayag ang matrix ilang araw bago ang Mayo uno na kung saan ay ipinagdiriwang ang Labor Day. 

Banat Ng Netizens 

Binanatan naman ng mga netizen ang makakaliwang grupo. Nagpahayag ang mga ito ng mga negatibong komento ukol sa grupo. Anila ay wala naman itong naitulong sa bayan kundi ay magreklamo lamang sa kung sinong presidente ang nakaupo. Marami ang nainis at hindi naniniwala sa inilabas na “anti-worker” matrix ng KMU.

Problema sa Labor 

Isa sa mga malalaking problema sa ating bansa ay ang ukol sa labor. Talamak pa din sa ating bansa ang pagkakaroon ng mga contractual employees na syang nagpapahina sa mga tao. Isa na ang problemang ito sa mga hinaing ng mga Pinoy laborers natin. Hiling nila ay pantay na karapatan at benepisyo na natatamo tulad ng mga regular na empleyado. 

LOOK: Kilusang Mayo Uno, naglabas ng matrix tampok ang mga anti-labor personalities @dzbbpic.twitter.com/jlTeefBwrp

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *