Bar exam passer sa Cebu, kumuha ng abogasya dahil sa sinapit ng ama

Makulay at puno ng bubog ang daan tungo sa pagiging abogado ni Rofel Bayaga Kiamco, 41, ng Carmen, Cebu.

Kabilang si Rofel sa 8,241 examinees na pumasa sa 2020-2021 Bar examination.© Provided by PEP.phA photo of Rofel Bayaga Kiamco

Noong April 12, 2022 ay nag-post si Rofel sa kanyang Facebook account tungkol sa mga naging motivation niya para maging abogado.

Una na rito ang pagkamatay ng kanyang amang si  Ruben “Boyax” Laping Kiamco Sr.

Gusto rin niyang ipagtanggol ang kanyang pamilya at ang mga naaabuso.

Inilagay niya sa post ang larawan ng kanyang ama, at ang screenshot ng kanyang pangalan sa listahan ng mga bagong pumasa sa 2020-2021 bar exam.© Provided by PEP.phThe screenshot of Rofel Bayaga Kiamco’s Facebook post

Bahagi ng post ni Rofel (published as is): “I will share a photograph of a man who is the cause why I pursued Law studies and aim for lawyering.Shanghai lockdown ‘disaster’ prompts Chinese to eye move overseasAdAdNikkei Asia

“He is Ruben Laping Kiamco Sr. (a.k.a. Boyax); I consider him a legend. A man whose heart is like a Lion who knows nothing about a retreat.”

Idinetalye niya na noong 2012, napaaway ang kanyang ama sa humigit-kumulang sampung kalalakihan.

Dagdag pa ni Rofel, ang kanyang ama ay “maliciously charged with attempted murder and frustrated murder.”

Naka-pending pa ang mga kaso nito sa Regional Trial Court Branch 25 at Municipal Circuit Trial Court ng Catmon nang pumanaw ito sa sakit na cancer noong 2013.

Ani Rofel, “His death caused me sorrow and grief, which struck me because he died without a lawyer in the family to defend him in court—except a lawyer from PAO.

“That malicious imputation by the police squeezed my heart, and on his grave, I made a vow to him to pursue law studies so that I may defend our family and the abused from the abusers.”

Ngayong abogado na siya, may panibagong pangako si Rofel sa namayapang ama.

“To my beloved late father, Boyax, here is now my promise—a Lawyer—who will defend our family and do justice and fairness to everyone.”

At press time, ang post ni Rofel ay mayroon nang 207K reactions, 9.6K comments, at 49K shares.© Provided by PEP.phNetizens’ reactions to Rofel Bayaga Kiamco’s post© Provided by PEP.phNetizens’ reactions to Rofel Bayaga Kiamco’s post

Pawang paghanga at pagbati rin ang mga komento mula sa mga netizens na na-inspire, at ang iba ay naka-relate sa kanyang kuwento.

Noong April 28 ay nag-post si Rofel ng screenshot ng isang email sa kanya na nagsasabing kumpleto na ang proseso ng kanyang clearance, at maaari na siyang manumpa bilang abogado sa gaganaping seremonya sa May 2.

Ang caption ni Rofel sa kanyang post: “Thank you Lord Jesus Christ. I am almost 100% abogado.”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *