Compound ng Department of Energy, isasailalim sa lockdown mula Hulyo 8.

MAYNILA – Isasailalim sa lockdown simula Miyerkoles, Hulyo 8 hanggang Biyernes, Hulyo 10 ang compound ng Department of Energy sa Taguig City.

Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa kagawagan, magsasagawa ng disinfection sa compound kabilang ang main building at annex, gymnasium, motorpool, at multi-purpose building.

Mananatili namang operational ang mga opisina ng Oil Industry Management Bureau, Renewable Energy Management Bureau, Office of the Secretary at mga Executive Office.

Tiniyak ng DOE na nabibigyan ng lahat ng kinakailangang atensyong medikal ang mga nagpositibong empleyado at nagsasagawa na rin ng contact tracing.

Inabisuhan na rin ang lahat ng empleyado ng DOE na sumunod sa health and safety protocols una na ang pagsusuot ng face mask at face shield, regular na paghuhugas ng kamay at pagsunod sa physical distancing.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *