DAVAO CITY IIWAN NI VP-ELECT INDAY SARA NA DEBT-FREE

Published Jun 19, 2022 07:31 PM by: NET25 News

DAVAO CITY IIWAN NI VP-ELECT INDAY SARA NA DEBT-FREE

NADUPLIKA ni Vice President Sara Duterte ang programa ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahala sa Davao City. Ngayong iiwan na ng batang Duterte ang lungsod bilang alkalde at ngayon ay ikalawang lider na ng Pilipinas, naging maayos ang kayang legasiya na isinunod sa pamana rin ng kanyang ama. Kabilang sa legasiya ni Inday Sara ay ang seguridad, kalayaan sa droga at higit sa lahat ay debt-free ito. Maging ang political analyst na si Ramon Beleno III ay humanga sa mga nagawa ng babaeng Duterte sa lungsod. Bilang abogada by profession ay marami ring inaprubahan na kautusan si Sara sa nasasakupan. Inaasahan naman na kung paano nagsilbi ang incoming vice president sa mga taga-Davao City ay ganoon din ang kanyang gagawin para sa mahigit na 110 milyong Pilipino.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *