DIGONG BALIK NA SA DAVAO

Published Jun 30, 2022 03:34 PM by: NET25

DIGONG BALIK NA SA DAVAO

Umuwi na sa Davao si Pangulong Rodrigo Duterte matapos lisanin ang Malacañang. Ito ang kinumpirma ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon kasabay nang pagsasabing hindi sasakyan ng gobyerno ang ginamit ni Duterte pabalik ng Davao kundi isang commercial flight. Bago ang tradisyonal na send-off ceremony para kay Duterte, tinanggap muna niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo kung saan sandali silang nag-usap na sinundan nang pagtungo ni Marcos sa National Museum para manumpa ay pag-alis naman ng dating pangulo sa Malacañang. Sa video na ibinahagi ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kinunan nito ng mensahe si Duterte para sa mga mamamayan. Sinabi ni Duterte na dapat suportahan at tulungan ang bagong administrasyon. “Let us give all our support to the new administration. Tulungan natin sila,” ani Duterte. Para naman sa mga dating miyembro ng kanyang Gabinete, sinabi ni Duterte na sa tingin niya ay nabuo niya ang isa sa pinakamagaling na Gabinete.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *