DJ Chacha, nagpa-Tulfo para matulungan ang kapatid na “pinatay” sa FB

© Provided by Kami DJ Chacha, nagpa-Tulfo para matulungan ang kapatid na “pinatay” sa FB

Naging emosyonal ang radio DJ na si Czarina Marie Balba o mas kilala bilang si DJ Chacha nang idulog sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo laban sa isang netizen na nagpakalat sa social media na patay na ang kanyang nakababatang kapatid na si Fitz Gerald Balba.

Photo from DJ Chacha Facebook page

Source: Facebook

Ayon kay Fitz, nag-ugat ang insidente nang magkaroon sila ng argumento tungkol sa ibinasurang franchise renewal ng ABS-CBN.

Pero nang hindi na raw naging maganda ang takbo ng kanilang debate ay nagpasya na lamang siya na tapusin na ito at i-block ang inirereklamong si Carla Tan Datu.

Matapos nito ay nag-post na si Carla sa social media na siya ay patay na at ikinalat pa iba’t ibang FB pages na nakarating pa umano hanggang sa ibang bansa.

Inamin naman ng babae ang kanyang pagkakamali pero gayunman ay nasaktan din daw ito sa sinabi ni Fitz na: “ang bobo ng argument mo.”

Ngunit ayon sa isang abogado na nakausap ni idol Raffy, hindi ito maaaring sabihin na paninira sa isang tao.

At sa halip ay malaki pa ang tyansa na makasuhan si Carla dahil napakalinaw ng ginawa nitong pagpapakalat ng maling balita na makakaapekto sa isang tao na pasok sa kasong cyber libel.

Desidido ang magkapatid na ituloy ang kaso laban kay Carla.

Si DJ Chacha Balba ay kilalang radio DJ ng radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9.

Naging contestant din ito sa season seven ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Siya ang author ng librong ‘Napakasakit Ate Chacha’.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *