‘INVESTMENT PLEDGES’ SA PINAS BUMAGSAK

Published May 18, 2022 03:59 PM by: NET25

'INVESTMENT PLEDGES' SA PINAS BUMAGSAK

LUMAGAPAK sa pinakamababa sa loob ng 13-taon ang mga pledges ng mga mamumuhunan sa Pilipinas, ngayong unang quarter ng taon dahil sa pangamba sa panibagong surge ng COVID-19. Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang halaga ng mga ‘foreign commitments’ sa P8.981 bilyon mula Enero hanggang Marso.  Mas mababa ito sa naitalang P3.959 bilyon noong 2009 pa. Sa taunang basehan, ang halaga ng mga ‘investment pledges’ ay bumulusok sa 54.1% na kabaligtaran sa naitalang 265.8% sa ikaapat na quarter ng 2021.  Ito rin ang pinakamababa sa loob ng limang quarters o mula nang makapagtala ng 67.5% sa ikaapat na quarter ng 2020. Ayon kay Rizal Commercial Banking, Corp. Chief Economist Michael L. Ricafort, ang dahilan ng paglagapak ng mga pledges ay dahil sa mas mahigpit na restriksyon nitong Enero sa Metro Manila at ibang lugar dulot ng surge dahil sa Omicron variant. Anim na ‘investment promotion agencies (IPAs) ang nag-apruba ng ‘investment commitments’ nitong unang quarter.  Kabilang dito ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Board of Investments (BoI), Clark Development Corp. (CDC), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Philippine Eco-nomic Zone Authority (PEZA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Hindi naman nag-apruba ng anumang investment ngayong 1st quarter ang BoI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BoI-BARMM). 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *