KING OF CLAY: RAFAEL NADAL, KAMPEON SA FRENCH OPEN

Published Jun 06, 2022 05:08 PM by: MD

KING OF CLAY: RAFAEL NADAL, KAMPEON SA FRENCH OPEN

14 French Open titles at 22 Grand Slams. Ito na ang narating ng ‘King of Clay’ na si Rafael Nadal, na sa kabila ng injuries ay nagawa pa ring magwagi sa Roland Garros. Hindi na pinaporma ni Nadal si Casper Ruud, 6-3, 6-3, 6-0 sa final. Ayon kay Nadal, hindi siya makapaniwala na sa edad na 36, nagawa pa rin niyang makalaban sa French Open, ang itinuturing niyang pinaka-importanteng court sa kaniyang karera. Ininda ni Nadal ang injury sa kaniyang kaliwang paa, na dahilan para di siya makapaglaro sa Wimbledon, US Open at Olympics sa Tokyo noong nakaraang taon. Dalawang Grand Slams na ang lamang ni Nadal kina Roger Federer at Novak Djokovic. [Photo: Christophe ARCHAMBAULT / AFP]

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *