Magkalaguyo na nagtatalik sa boarding house, ipinadakip

CAUAYAN CITY– Matapos na maaktuhan sila ng kanyang mister na nagtatalik sa isang boarding house sa Purok 2, barangay Marabulig 1, Cauayan City.

Ang misis ay 20 anyos habang ang kanyang kalaguyo ay edad 20 at ang mister ay 28 anyos na pawang residente ng nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, personal na nagtungo ang mister ng babae sa himpilan ng pulisya upang ipagbigay alam ang pangangaliwa ng kanyang misis.

Kasama ang mga kapulisan ay pinuntahan nila ang inuupahang bahay ng kalaguyo ng misis at naaktuhan ng mister ang dalawa.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang magkalaguyo.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *