Mahigit 16-K pamilyang naapektuhan ng Bagyong Paeng nasa evacuation centers pa rin –DSWD

MAHIGIT 16,114 na pamilya o 66,988 indibidwal na apektado ng Bagyong Paeng ang patuloy na naghahanap ng pansamantalang tirahan sa 246 evacuation centers sa buong bansa.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development batay sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, noong Nobyembre 7, 227,025 pamilya, o 1,061,198 indibidwal, ang naninirahan sa mga kamag-anak o kaibigan.

Hindi naman bababa sa 47,350 na bahay ang nasira ng pananalasa ni Paeng.

4,216 dito ang ganap na nasira, habang 43,134 ang bahagyang nasira.

Samantala nakapagbigay na ang DSWD sa mga kinauukulang local government units, at iba pang katuwang ng DSWD ng hindi bababa sa P236 milyong halaga ng pagkain at non- food items sa mga lugar na apektado ng bagyo.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *