Mga Pinoy sa Africa, nakaboto rin sa unang araw ng OAV

NAIROBI -Maging sa mga bansa ng Africa, interasado ang mga Pinoy sa nagaganap na Philippine overseas voting.

KENYA

Sa Kenya, isang overseas Filipino ang bumiyahe pa ng 350 km mula sa Kisumu sa Kanlurang bahagi ng Kenya, patungo sa Nairobi, ang Kenyan capital para lang makaboto noong April 10.

Hindi man nagbigay ng pangalan, ayon sa 59-taong gulang na taga-Kidapawan City sa Cotabato: “Bumoto ng tapat at piliin ang tamang kandidato na magbibigay ng tunay na pagbabago.”

Ayon sa Philippine Embassy sa Nairobi, ang registered Filipino voters sa Kenya ay maaring bomoto sa mula ng April 10 hanggang May 9, 2022.

Bukas ang Philippine Embassy sa Nairobi araw-araw mula 8:00 am hanggang 4:00 pm. Matatapos ang voting period sa May 9, 2022, 2PM East African Time.

SOUTH AFRICA

Sa Pretoria, hindi nagpapigil sa malakas na ulan ang ilang mga Pilipino na tumungo sa Philippine Embassy para makaboto sa unang araw ng OAV noong April 10.

Ang Filipino overseas voters na sakop ng Philippine Embassy sa Pretoria tulad ng South Africa, Botswana, Eswatini (Swaziland), Lesotho, Madagascar, Mauritius, Mozambique, Namibia, Zambia, at Zimbabwe ay pinapayuhang kontakin ang embahada sa pretoriape.ov2022@gmail.com para sa mga tanong tungkol sa kung papaano makukuha ang kanilang mail packets na naglalaman ng kanilang mga balota at election materials.

Ang accomplished ballots ay kailangang nasa embassy na sa May 9, 2022, 1PM South African Standard Time o 7PM Manila Time.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Africa, Gitnang Silangan at Europa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *