PAKINGGAN: Bagong ‘PBB” theme song ‘Pinoy Tayo’ ni Rico Blanco

MAYNILA — Sa muling pagbabalik ng sikat na reality show na “Pinoy Big Brother” (PBB) para sa ika-10 nitong season, inilabas na rin ang “Pinoy Tayo,” ang bagong bersiyon ng “Pinoy Ako.” 

Mapapanood na ang lyric video ng “Pinoy Tayo” na inawit ni Rico Blanco sa opisyal na YouTube page ng Star Music nitong Linggo, Setyembre 5.https://www.youtube.com/embed/IiTJJUdT-98?enablejsapi=1Watch more on iWantTFC

Maliban kay Blanco, kasama rin sa sumulat ng “Pinoy Tayo” sina Jonathan Manalo at Clem Castro. Si Blanco rin ang producer ng awitin.

Matatandaang ang “Pinoy Ako,” na inawit ng bandang Orange & Lemons, ang kinilalang theme song ng “PBB.”

Nito lamang nakaraang buwan nang ianunsiyo na muling paghahanap ng bagong housemates ng reality game show na papangalanang “PBB Kumunity Season 10.”

 
Nitong Setyembre 1 ay nagsimula ang awdisyon para sa mga aspiring adult housemate sa na tatagal hanggang Setyembre 30. Edad 20-40 ang maaaring sumali sa panibagong yugto ng “PBB.” 

Samantala, ang mga teenager edad 15-19 ang kwalipikadong sumali sa Teen Edition. Magbubukas ang awdisyon sa Disyembre 1 hanggang 31. 

Kagaya sa katatapos na season ng “PBB,” sa streaming app na Kumu muli pipiliin ang mga housemate. 

Para sa mga nais sumali, kailangan i-download ang Kumu app at gumawa ng sariling account. 

Tapos, kailangang gumawa ng isang minutong video clip na magpapakilala at magpapaliwanag kung bakit dapat kang mapili na makapasok sa Bahay ni Kuya. 

Unang nagbukas ang “PBB” noong 2005 at nagkaroon na ng 15 edisyon kung saan nanggaling ang maraming Kapamilya stars ngayon tulad nina Sam Milby, James Reid, Melai Cantiveros, Maymay Entrata, Robi Domingo, at Bianca Gonzales. 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *