PHP20 paper bill until end of 2021 na lang puwedeng gamitin? Fake News!

© Provided by PEP.ph

Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ang 20-Piso New Generation Currency (NGC) banknotes ay nananatiling legal tender at maaari pang gamitin sa mga pang-araw-araw na transaksyon.

Sa inilabas na pahayag ng BSP nitong September 28, 2021, sinabi nito na ang 20-peso NGC banknotes ay unti-unti nang aalisin sa sirkulasyon “through natural attrition or until they become unfit for recirculation.”

© Provided by PEP.phPhoto: @BangkoSentralngPilipinas on Facebook

Sa Facebook post ng BSP ay sinabi rin nitong fake news ang kumakalat na text messages na ang 20-peso banknotes ay magiging demonetized na sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, naglabas din ang BSP ng advisory sa mga bangko na i-promote ang distribution, recirculation, and mobilization ng bagong 20-peso coins.

Inilabas ng BSP ang bagong 20-peso NGC coin noong December 17, 2019.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *