‘Pinoy Big Brother’: Luke, Eslam, Stephanie, Dustine, Gabb haharap sa 1st double eviction

MAYNILA — Limang teen housemates ang haharap sa unang double eviction sa susunod na linggo ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”
Inanunsyo ang pangalan ng mga nominado sa Monday episode matapos ang kanilang harapang nominasyon.
Nominado sina Luke Alford (10), Eslam El Gohari (5), Stephanie Jordan (4), Dustine Mayores (3), at Gabb Skribikin (3).

Pinili ni Skribikin na gamitin ang kanyang immunity pass para sa kapwa housemate na si Paolo Alcantara.

Ligtas naman sina Maxine Trinidad at Rob Blackburn matapos magwagi sa kanilang hamon. 

Ito na ang ikalimang beses na naging nominado si Jordan habang unang beses pa lang maging nominado ng mga natirang housemates. 

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *