Narito ang mga mall at chapel kung saan maaari kang dumalo ng Simbang Gabi o Misa de Gallo
MANILA, Philippines – Simulang Biyernes ng gabi, Disyembre 15, at ulit sa madaling araw ng Sabado, Diyembre 16, muling maririnig ang kalembang ng mga kampana ng simbahan sa buong Pilipinas, hudyat na mag-uumpisa na ang Simbang Gabi at Misa de Gallo.
Ang Simbang Gabi sa Disyembre 15 ay ang pinakahihintay na Misa, na ginaganap sa bisperas ng Misa de Gallo. Ang mga Misa de Gallo o “dawn masses” naman ay ang nakaugalian sa Pilipinas na novenario ng siyam na misang ginaganap sa madaling araw, o bago sumikat araw. Natatapos ito tuwing Disyembre 24, o ang tinatawag na Christmas Eve.
Marami ang nais mamanata tuwing Pasko, pero dahil sa maraming dahilan – tulad ng sobrang trapik, mga Christmas party, o last-minute shopping – hindi nila nabubuo ang Misa de Gallo.
Para sa nais magpursigi sa pamamanata, maaari namang makapagsimba sa ibang lugar, kung saan may ginaganap na misa.