Tatlo arestado matapos mahulihan ng umano’y ecstasy sa Parañaque
MAYNILA – Tatlo ang arestado sa Parañaque City matapos mahulihan ng umano’y party drug na ecstasy sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Southern Police District.
Ayon sa PDEA, matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot sa pagbebenta ng party drugs ang mga suspek, agad ikinasa ang buy bust operation sa Quirino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Nang mag positibo ang transaksyon, agad inaresto ang tatlo.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 105 piraso ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P178,500.
Nakuha rin mula rin mula sa mga ito ang buy-bust money at mga cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Share
Read More: PDEA SPD Ecstasy Paranaque City Buy bust operation Tagalog news p[olice crime drugs