TELCOS, PINAKIKILOS LABAN SA FAKE JOB TEXT SCAMS 

Published Jun 12, 2022 09:18 PM by: NET25 NEWS

TELCOS, PINAKIKILOS LABAN SA FAKE JOB TEXT SCAMS 

MULING kinalampag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco players at mga regional director ng komisyon upang kumilos laban sa mga fake job text scam. Sa memorandum, ipinag-utos ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga telco na magpadala ng text blasts sa mga subscriber simula June 11 hanggang June 17 upang balaan ang publiko laban sa mapanlokong text messages. Hinikayat din ang telcos na pabilisin ang proseso ng pag-block ng SIM cards na ginagamit sa iligal na aktibidad. Sa hiwalay na memo sa kanilang regional offices, inatasan ng NTC ang mga opisyal na muling balaan ang publiko laban sa nagpapatuloy na text scams sa pamamagitan ng radyo at telebisyon sa kani-kanilang nasasakupan simula June 11 hanggang June 17. Ipinag-utos din ng ahensya ang karagdagang public information campaigns. Unang inilabas ng NTC ang kaparehong direktiba noong May 28.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *