UMANO’Y MIYEMBRO NG GRUPONG MAUTE SUMUKO NA

Published Jul 01, 2022 03:49 PM by: NET25 | 📷 Lanao Del Sur Ppo

UMANO'Y MIYEMBRO NG GRUPONG MAUTE SUMUKO NA

Isang miyembro umano ng Daulah Islamiya-Maute terror group na nag-ooperate sa Lanao Del Sur ang sumuko sa Marawi City, sinabi ng Philippine National Police (PNP).  Kinilala ng PNP nitong Huwebes ang umano’y miyembro ng Maute group na si Jalanie “Abu Jana” Ali.  Sumuko si Ali sa pulisya sa Barangay (village) Damah, Marawi City, noong Hunyo 29, ayon sa PNP. Sinabi ng pulisya na kasama ni Ali si Banto Ditopor, isang umano’y miyembro ng Magolayan private armed group, sa pagsuko.  Sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao regional police officer-in-charge Lt. Eirene Mazon na isinuko rin nina Ali at Ditopor ang kanilang mga baril.  “Sila po mismo ay may kagustuhang mag surrender kasama ang kanilang high powered firearms,” ayon sa opisyal.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *